My Blog

 Bulalakaw

Ang alam ng karamihan hindi siya pangkaraniwan hindi dahil sa ubod siya ng ganda o kaya naman ay magaling siya sa iba’t-ibang larangan ngunit dahil nakasanayan na nilang ituring siyang buhay na bagay na nababalot ng yelo o kaya naman ay isang munting bato na hindi agarang natitibag. Ika nga nila, ubod ng tigas ang taong ito.

Nababalot ang lahat sa pag aakala na isang kibot at pagkakamali lamang ay sasabog ito sa galit at pagkamuhi na tiyak hindi ninuman magugustuhan. Para bagang siya yung pinakamalala at kahabag habag na nilalang sa mundo na hindi mo aasahang daratnan ng pagbabago. Iniisip ng lahat na ang taas taas niya na pati yaring ihi ay pumapantay kapag nagalit siya.

Ang hindi mawari wari ng mga taong mapanghusga na kaparehong tao ding ito ang nakaranas ng hindi mabilang na pagbabalewala. Maari ay pawang suntok sa buwan ang kinakailangan sapagkat napakadalang niyang makaramdam ng totoong kaligayahan, siya yung taong masaya ngayon bukas makawala ay nawawala nalang bigla. Nakakaya naman niyang ngumiti pero hindi ang tumawa, magkaiba iyon. Wala naman sa tamang posisyon upang bilangin ng kakaramput na mga utak ang mga naransang niyang pagkawala, hindi mawari ang mga pamamaraan kung paano niya sinikap na makabalik at buohin muli ang sarili kasabay ng pagharap at pagtanggap ng kinasidlakan. Oo, lugmok siya at nahihirapan pero hindi niya maamin sa mga tao sapagkat hindi niya na alam kung sino pa ang totoo. Hindi kalaunan ay unti unti ring nawalan ng mumunting kislap sa mga mata at sigla sa bawat pagtibok ng puso ang taong iyon. Para bagang sa bawat pagkawala ay kaakibat nito ang milyon milyong emosyon na dapat sana ay manatili pero hindi, hindi sa lahat ng nasabing sitwasyon. Napapagod na siya dahil sa paulit paulit na pagkabigo, masyado na kasing marami ang mga ‘akala’ na nahantong lang sa wala, kaya naman takot na rin siyang magtiwala.

Napakahilig din nyang gumawa ng likhang isip sa mga taong nakapaligid at sa wakas! nagtagumpay naman siya sa misyong papaniwalain ang lahat. Nagtagumpay siyang balutin ng lumot ang mga utak ng iba at kamuhian siya. Mas pinili niya ang maging matigas hanggang sa wakas.

Sa ilang taong pamamalagi, natuto niyang ituring ang mga bagay sa paraang nararapat; sa pananaw na hindi sila permanente. Ilang ulit niyang pinilit at pinaniwala ang sarili na walang permanente, na walang sinuman o kahit anuman ang mananatili upang piliin siya. Ngunit para bang dumoble o trumiple ang kirot sa puso sa bawat pagkakataong napapatunayan niyang hindi o wala nga.

Napagtanto niya na lubhang napakahirap na mamalagi sa mundong hindi mapagkakaila ang hubad na katotohanang; walang magtatagal, lahat nawawala.

Kaya ayon, yung taong sinasabi ko?

Pawang isang bulalakaw na nanggaling sa ibabaw at bumagsak sa mundong ito. Matigas nang dumating, Abo nang lisanin. Unti unti ng siyang nililipad ng hangin, kasama ng mapapait at masasayang alaala. Dama ang haplos ng lungkot at pag iisa

Kaya naman ay tinapos niya na.

Hindi na siya yung nakasanayan. Hindi na…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s