My Blog

Bakit ang hirap magmahal ng babaeng INDEPENDENT?

                   Sa mundong binubuo ng napakaraming bagay na hindi kayang maipaliwanag ng mga salita ay nariyan ang pagkakaiba iba ng mga hamon at pamamaraan upang maipahiwatig ang pagmamahal sa sinisinta. Ngunit paano nga ba magmahal ng taong Independent? o yung taong nasanay at kayang mabuhay ng hindi nangangailangan ng tulong ng ninuman?

                      Kapag napili mong sumubok na magmahal ng taong sa ilang taon ay naatim o magpahanggang ngayon ay naaatim na tumayo sa sariling mga paa, asahan mong makakaranas ka ng “migraine” at pawang sakit sa pusong walang lunas. Narito ang iilan sa mga dahilan kung bakit ang hirap magmahal ng mga babaeng independent:

Nakaka “intimidate”. Heto yung suliranin ng karamihan sapagkat hindi naman kasi maitatago yung nakasanayang anyo or yung tinatawag na “Aura”; simula sa tindig, tono at laman ng pananalita o maging ang pananaw sa mga bagay bagay na parang nakakapanibagong marinig mula sa isang babae. Ang nasabing pakiramdam na ‘intimidation’ sa Ingles ay hindi agad agad mapapahupa kung hindi ka maglalaan ng sapat na oras upang kilalanin ang mga babaeng tulad nila- iba sa nakasanayan.

Marami silang baong bala. Iwaksi mo ang pananaw na napakadali lang nilang kunin o angkinin. Hindi sila yung kakagat agad sa inihanda mong paing. Simula pa lang ng mga pagpaparamdam ay mabilis nilang nahuhulaan ang mga pa unang indikasyon. Gaya ng lalapit lapit kunwari para makikipagkaibigan, tapos tyetiempo ng magandang pagkakataon para makakuha ng impormasyon, hihingi ng numero, itetext, iaadd sa social media tapos magchachat o kaya naman sisimple ng mga patamang biro o ika nga nila ay “Ang Alamat ng Jamming”, kaya naman kahit hindi ka pa nagsisimula ay pawang pinipigilan o tinatapos na nila bago pa mahuli ang lahat. Matalino ang karamihan sa kanila kaya mag ingat ka!

Napakahirap nilang basahin. Kung ihahambing mo sa isang aklat o kaya magasin, sila yung nagtataglay ng napakaraming “scientific terminologies” o laman na hindi mo kayang maintindihan dahil sa lalim ng pinagkukuhanan. Hindi sila yung babaeng nakasanayan na marupok. Huwag na huwag mong asahan na ang bawat pagpapahiwatig ay agaran nilang bibigyan ng panahon at atensyon dahil para sa kanila, may ibang bagay silang mas mahalaga at mas dapat pagtuonan ng pansin kaysa sa iyo. Masakit yung puntong iyon kasi totoo. Oo, makakaranas ka rin ng hindi mabilang na pagbabalewala dahil nga magkaiba ang kanilang pagtanggap sa inaasahan mong maging resulta ng mga kakaunting “the moves” o pamamaraan. Napakahirap ring sabihin or basahin kung kalian sila galit, masaya o kaya ay may ipinahihiwatig na palang kambal na kahulugan.

Nasanay silang MAG-ISA! Eto yung mahirap tibagin talaga! Huwag mong iisipin na agaran silang dedepende sa iyo gaya ng inaasahan ng mga lalaki. Nairaos nila ang bawat araw sa ilang taon ng wala ka sa tabi nila o ng walang tulong na nangagaling sa isang kabiyak o kasintahan. Kahit sabik sila sa pagmamahal o pagkalinga, may mga babaeng hindi mo mapipilit na basta nalang ipagkatiwala ang sariling kabutihan sa iyo kaya alagaan mo yung ego mo kasi unti unti yang madudurog sa paglipas ng panahon, yun eh kapag hinayaan mo.

                 Sa isang banda, ang mga nasabing komplikadong paglalarawan ng mga babaeng independent ay pawang isang paraan hindi upang hikayatin ka na sumuko na lamang sa kanila ngunit upang mas lalo mo pang patunayan na karapat-dapat kang mahalin. Isang bagay lang naman ang nais nila o maging ng kahit sinong babae na makita at maramdaman – eto yung consistency at pagiging dalisay at totoo ng pagmamahal mo sa isang tao. Dahil kapag pinili nilang sumugal sa iyo, para na ring pinili nila na muling harapin ang sariling pangamba na maiwan at mapalitan, para na ring sumusunod sila sa agos na walang katiyakan ang patutunguhan, na sa wakas ay napagtanto na ng kalooban na kailangan nila ng tao upang maging sandalan. Kapag napili nilang muling buksan ang puso, ibubuhos nila ang lahat ng walang pag aalinlangan na tila ba napawi ang mga taon ng matagal na paghihintay. Mamahalin ka na pawang hindi natatakot na mawasak at masaktan. Turuan mo silang mabuhay at humakbang muli. Kunin mo sila sa mga bisig ng pag-iisa at pangamba. Patunayan mong karapat-dapat ka!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s